Mga Solusyong Audio Biswal

"... .ang inyong kamangha-manghang pangkat ay kasiya-siyang makatrabaho at napaka-propesyonal. Handa silang paunlakan ng aming mga gustong baguhin at magbigay ng kanilang propesyonal na opinyon. Mabilis na nakakahanap ng mga solusyon ang inyong pangkat, na tumutulong upang mapawi ang stress na sanhi minsan ng AV..."

Erin Stanton, Harvard University, Cambridge, MA. USA

Ang Encore ay naghahatid ng pinakamahusay na audio biswal, pag-iilaw, disenyo ng pagtatanghal (staging design) at pamamahalang teknikal sa produksyon para sa lahat ng mga uri ng event. Sa mahigit na 30 taon na karanasan, mayroon kaming teknolohiya, kadalubhasaan, at malikhaing kakayahan upang gawing isang pambihirang karanasan ang bawat event. Nasa ibaba ang buod ng aming mga AV solution:

Malikhaing Pag-iilaw

Ang Encore ay nag-aalok ng malawak na mga serbisyo sa pag-iilaw sa event upang umangkop sa anumang okasyon. Naniniwala kami na ang disensyo ng propesyonal na pag-iilaw ay mahalaga para sa bawat event - mula sa malalaking kumperensya, inistilong mga gala dinner, mga tampok na pasukan (entrance features), mga exhibition at maging ang maliliit na mga pulong. Kami ay may malawak na kaalaman sa paggamit ng malikhaing disenyo ng pag-iilaw upang baguhin ang anyo ng lugar-dausan upang tumugma sa iyong tema o branding. Ang aming mga tagadisenyo ng ilaw ay mga eksperto sa paglikha ng mga effects na magdagdag sa dating ng mga pagtatanghal sa entablado, magpapahusay sa iyong mga pagtatanghal at magdadagdag ng estilo sa anumang event.

Napakahusay na mga Solusyong Pangbiswal

Ang Encore ay mayroong ipinagmamalaking mga hanay ng de-kalidad na mga screen at projection surface upang magsilbi sa lahat ng mga uri ng event, mga lugar-dausan at badyet. Ang screen o backdrop para sa iyong event ay lumilikha ng canvas para sa iyong projection, multimedia, animation, video, pagtatanghal o graphic content at binabago ang mensahe o tema ng iyong event. Kaya ang pagpili ng tamang screen o backdrop ay mahalaga sa pagdisenyo ng isang matagumpay na event. Ang aming bihasang pangkat ay makikipagtulungan sa iyo upang magrekomenda ng tamang screen o projection surface nang sa gayon ay makamit mo ang iyong mga minimithi.

2D at 3D Projection Mapping

Ang Encore ay mayroong teknolohiya at kadalubhasaan sa projection upang lumikha ng isang nakaka-engganyong karanasan na walang katulad. Ang projection mapping ay isang pamamaraan na ginagamit upang mag-mapa ng still o video content sa projection surface, na binabago ang mga screen, mga bagay o pisikal na mga espasyo upang maging display surface. Mayroong dalawang uri ng projection mapping:

  • Ang 2D Mapping – ay projection sa mga patag na surface, tulad ng mga screen o pader. Magagamit natin ang 2D mapping upang lumikha ng malawak na mga visual display sa buong mga pader, mula sa itaas hanggang sa ibaba, sa loob ng iyong lugar-dausan.
  • Ang 3D Mapping – ay projection sa mga tatlong-dimensional na mga bagay, mga hugis o mga letra na lumilikha ng kahanga-hangang 3D visual effect.

Kung ikaw man ay punong-abala sa isang pangkorporasyong kumperensya o glamorosong gala dinner, kayang gawin ng projection mapping ang iyong event na isang nakaka-engganyo at di malilimutang karanasan para sa mga dadalo. Makipag-ugnayan sa amin upang malaman kung paano makalilikha ang projection mapping ng isang kamangha-manghang karanasang biswal sa iyong susunod na event.

Produksyon ng Video at Live Streaming

Maaaring i-rekord ng Encore ang iyong event upang makabuo ng isang video showcase, promosyonal na materyal, i-rekord ang mga pagtatanghal, o magsilbing alaala lamang ng espesyal na araw na ito. Ang aming pangkat sa produksyon ng video ay lilikha ng walang-putol na digital reminder sa pamamagitan ng pag-rekord sa bawat espesyal na sandali, makabagbag-damdaming pananalita at pagtatanghal.

Bukod pa sa produksyon ng video at pag-rekord ng event, nag-aalok din kami ng mga serbisyong live streaming. Nagbibigay-daan ito upang mapanood ang iyong event sa oras mismo nito (real time) sa kompyuter, tablet o smart phone ng mga manonood. Maaari rin kaming maghatid ng isang karanasang mapapanood na pinagsasama ang mga pagtatanghal ng mga slide at live na pagtatanghal, upang maranasan ng mga manonood ang event na parehong pareho nang nararanasan ng mga nasa loob ng silid.

Produksyong Multimedia at Paglikha ng Content

Nag-aalok kami ng hanay ng mga serbisyo sa produksyong multimedia na inakma para sa lahat ng mga uri ng event. Ang aming nakatalagang pangkat sa lugar na bihasang mga tagadisenyo ay maaaring gumawa ng nakakaengganyong content sa screen na sadyang binuo para sa hanay ng mga event; tulad ng kagila-gilalas na mga pambungad (opening sequence), mga sponsor loop, mga highlight reel o animasyon para sa mga gabi ng parangal. Samantalahin ang mga serbisyong inaalok ng aming pangkat na mahuhusay sa multimedia at motion graphics para sa ikagaganda ng iyong event.

Rigging

Ang Encore ay nag-aalok ng malawak na hanay ng mga sulosyong pang-rigging na ikinabit ng bihasang mga propesyonal sa event.

Ang bihasang disenyo ng solusyong pang rigging ay dramatikong makakaimpluwensya sa pagiging epektibo ng mga elemento ng audio, bisyon, pag-iilaw at pagtatanghal. Sisiguraduhin namin na ang bawat panauhin ay makikita at maririnig ang kasiyahan, pagtatanghal o set ng entablado sa pamamagitan ng mahusay na paggamit ng rigging.


Alamin ang iba pa naming mga serbisyo