Mga Serbisyo sa Disenyo ng Event

"....ikaw at ang iyong mga kasamahan ay kahanga-hanga, ....nananabik kaming makatrabaho kayong muli sa Tsina at Hong Kong..."

Michelle Guevarra, Meeting Planner, Alliances Management.

Sa Encore, naniniwala kami na ang disenyo at pagkamalikhain ang dahilan kung bakit natatangi ang bawat event. Ang aming layunin ay maghatid ng isang malikhaing konsepto na talagang nakaayon sa iyong negosyo at layunin ng event.

Sa pamamagitan ng mga makabagong sulosyon, pinagsasama namin ang malikhaing konsepto sa bawat aspeto, kabilang ang tunog, pag-iilaw, mga stage set, senaryo ng silid, mga pagtatanghal at nilalaman ng multimedia. Ang aming pangkat na binubuo ng mga masisigasig na mga propesyonal sa event, mga teknisyan at malikhaing mga direktor ay nagtutulungan upang tiyakin na lahat ng aspeto ng event ay magkakaugnay upang gawing nakakaengganyong karanasan ang iyong event.

Kinikilala ng Encore ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kakayahang makinita (visualise) ang event habang pinaplano pa lang. Dala ang ganitong pag-iisip, ang Encore ay gumagamit ng software upang tulungang makalikha ang aming mga tauhan ng mga ilustrasyong 2D at 3D ng event upang makinita mo nang eksakto kung paano ito lalabas.

Kamakailan ay inilunsad ng Encore ang bagong produkto ng disenyo ng event - ang mga Scenic Panel. Ang mga ito ay makukuha sa ilang mga disenyo upang umangkop sa itsura ng anumang event. Mula sa mga backdrop ng entablado, pag-estilo ng set, mga tampok ng pasukan at mga divider ng silid, ang mga ito ay simple at hindi magastos na paraan upang gawing magayak ang payak na anyo.

Kung gamit man ang malaking bilang ng mga panel para sa mga elementong panoramic at mga backdrop, o mas kaunting bilang sa mga tampok na pasukan, mga divider ng silid o mga exhibition stand, ang mga hanging panel na ito ay maghahatid ng magandang epektong biswal (visual effect).

Kapag ginamit sa pag-iilaw na pang-teatro at accent, ang mga pattern ay buhay na buhay ito at magdaragdag ng kakaibang epektong may tekstura. (textural effect).


Alamin ang iba pa naming mga serbisyo