Tekonolohiya Sa Pagganap Ng Event

"...salamat sa inyo at sa inyong tulong at suporta para sa aming ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag sa Beijing at Shanghai. Kung hindi dahil sa sipag ng inyong pangkat, hindi naging ganito katagumpay ang aming event."

Rebecca LI Manager, Public Relations, China Preferred Hotels & Resorts

Nauunawaan ng Encore ang kahalagahan ng teknolohiya sa pagpapahusay ng karanasan sa event, lalo na sa pageenganyo ng manonood (audience engagement) at integrasyon sa social media.

Upang lubusin ang pagiging kasali o engagement, ang Encore ay nag-aalok ng hanay ng mga teknolohiya sa pagsali (engagement technologies) sa event upang umakma sa mga pangangailangan ng iyong event. Nasa ibaba ang pangkalahatang-ideya ng aming mga engagement solution:

Mga Apps ng Event sa Mobile (Mobile Event Apps)

Nag-aalok kami sa aming mga kliyente ng libreng app ng event kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo sa event. Ang Cumulus ay magbibigay sa iyo at sa mga dadalo ng kaginhawahan ng madaling pag-access sa lahat ng impormasyon tungkol sa event sa kanilang mga mobile phone.

Ang diseyong ito’y pinagisipan sa pagsasaalang-alang ng isang abalang tagaplano ng event, pinapayagan ka ng Cumulus na mabilis na mag-upload at makipag-komunikasyon tungkol sa lahat ng bagay mula sa mga adyenda at mga download, hanggang sa impormasyon ng pag-isponsor at marami pang iba.

Lahat ng nilalaman ay naka-upload at pinamamahalaan ng tagaplano ng event, na nagbibigay ng higit na kontrol kung anong mga dokumento ang maa-access at maaari pang mag-upload at mag-update kung kailan mo kailangan.

Pagboto (Polling) ng mga Manonood nang Live

Alamin kung ano ang talagang nasa isip ng mga manonood tungkol sa Event Poll. Ang teknolohiyang pang-engage na ito ay magbibigay-daan upang ikaw ay makapagtanong at tumanggap ng mga tugon sa live na event. Sa dami ng mga anyo at estilo ng pagtatanong, ang Event Poll ay isang mahusay na alternatibo sa:

  • Mga sesyon na Tanong at Sagot
  • Pagbuo ng mga konsepto (Ideation)
  • Pagboto
  • Mga Quiz / Trivia
  • Mga Sarbey
  • Mga Sesyon ng Talakayan
  • At higit pa!

Ito ay madaling gamitin, masaya at lubhang epektibo at ang kailangan lang ay may mobile phone ang mga dadalo upang makibahagi.

Pakikiisa sa Social Media

Ang komprehensibong plataporma ng Encore sa social media, ang Event Feed, ay perpekto para sa mga event na pangkorporasyon at gala at tumutulong sa mga tagaplano ng event upang lubusin ang mga benepisyo ng pagasali ng social media. Pinapayagan ka ng Event Feed na makuha ang mga Tweet, Facebook at Instagram post ng iyong mga manonood at ipakita ang mga ito sa screen ng event para makita ng lahat. Makukuha (capture) at maibabahagi ng mga panauhin ang kanilang paboritong mga sandali sa event, mga mahahalagang insight o mga pagtatanghal ng parangal sa pamamagitan ng kanilang mga social channel, ang mga ito nakapaskil sa screen ng event at maibabahagi rin sa mga manonod sa buong mundo sa pamamagitan ng iyong inilaang hashtag (dedicated hashtag).

Mangyaring tandaan, hindi lahat ng mga plataporma ng social media ay magagamit sa lahat ng mga bansa sa Asya, kaya ang Event Feed ay maaaring hindi magamit sa ilang mga rehiyon.

Live Streaming

Ang Encore ay makatutulong sa iyo upang madaling maibahagi ang iyong event online at palawakin ang maaabot nito upang maisali ang mas maraming manonood; o i-rekord lamang ito para magamit sa hinaharap. Maaari naming i-live stream ang iyong event sa pahina ng Facebook ng inyong kumpanya o sa online sa pamamagitan ng isang inilaang link (dedicated link). Ang kapaligiran ng live stream ay maaaring lagyan ng branding upang mabigyan ng may-tatak (branded) na karanasan ang mga virtual na dadalo. Makipag-usap sa aming pangkat ngayon upang malaman ang higit pa tungkol sa mga pagpipilian sa pag-rekord o pag-live stream na magagamit mo.


Alamin ang iba pa naming mga serbisyo